Adbokasiya
Sa tuwing may mga bagong
bagay na nadidiskubre ay kakabit din nito ang mga bagong salita na maaaring
nasa ibang lengguwahe. Ngunit di natin maiiwasang maitanong kung ano ang salin
nito sa ating sariling wika.‘Tila mapapaisip na lamang tayo.Paano ko nga ba
sasabihin ang salitang ito sa wikang Filipino? May mga salitang isinasalin sa
wikang Filipino sa pamamagitan ng pagbabaybay lamang dito, sapagkat wala talaga
itong katumbas na salita.Gayundin meron namang tila mas maganda o di kaya’y
angkop na panatilihin sa ganong lennguwahe kaysa isalin pa.
May mga pagkakataong iniiba
na lamang ang ibang mga letra. Tulad ng sa letrang “c” kung ingles ay
ginagawang “k”. Halimbawa ay ang salitang “canteen” sa wikang ingles kung ito’y
isasalin sa wikang Filipino ito ay magiging “kantin” kung ano ang pagkakabigkas
ay gayundin ang paraan ng pagkakasulat dito. Gayundin ang letrang “c” ay pwede
rin naming maging “s” sa atin tulad na lamang ng “cellphone” ito ay nagiging
“selpown”. Nadadagdagan ng letrang “w” sapagkat ganito ang basa sa salitang
ito.
Minsan pa ay pinag-didibatehan
ito upang mabigyan ng aktuwal na katawagan.Nagkakaroon kasi ng kalituhan o
kaguluhan dito. Ito ay patungkol sa kung alin nga ba ang mas tama na gamitin.
At kung tama nga ba ang mga ito na salin
sa wika natin. May nagsasabing ito nga at nararapat na ito ang salin ngunit ang
iba naman ay tila nababaduyan sa pagkakasalin dito.
Halimbawa nito ay ano ang
tagalog sa "square root of 16".Kung ito ay nanaiisin nating tuluyang
maisalin sa wikang tagalog maaari natin itong tawaging bilang "parisukat
na ugat ng labing anim".Ngunit hindi ito magandang pakinggan. Ang mga
taong kinakausap ay mawawalan ng pokus lalo’t higit at bago sa kanila ang
saling wikang ito.
Maraming mga tawag sa
iba’t ibang mga asignatura ang tila mahirap isalin sa wikang Filipino. Lalo’t
higit pa ang mga katawagan sa siyesya na talagang ibang lebel na kung ating
iisipin. Gayundin kung ito ay gagamitin sa pagtuturo ng mga guro ay lalong
hindi maiintindihan ng mga bata ang mga terminolohiyang wala talagang salin sa
wikang Filipino. At kapag naman pinalitan pa ang ispeling nito ay tila may
posibilidad naming ito ay magkaroon ng ibang kahulugan. Salaungat naman ito sa
konseptong dapat iyon lamang ang ispeling sapagkat ito ay hindi na nababago.
Akala siguro ng marami ay
mas madali kung ang sarili nating wika ang ginagamit na batayan at wika sa
edukasyon. Ang hindi nila naiisip ay ito pa nga ang syang mas nakakadulot ng malaking
pagbabago sa salitang ating nakasanayan na.
Kung atin din namang
iisipin. Ang wika ay binuo upang tayo ay madaling magkaintindihan at hindi para
magbigay kalituhan sa bawat isa sa atin. Ngunit bakit may mga salitang
ipinipilit na isalin kahit na ito ay magbibigay kalituhan sa atin. Isipin na
lang natin ang halimbawa na "square root of 16" na kapag ipinilit na
isalin ay magiging " parisukat na ugat ng labing anim". Na kung ating
iisipin naman ay pwede ring gawing " iskwer root ng labing anim" .
Mapapansin natin na iniba lang ang ispeling o baybay , maaari ring maraming tao
ang magbigay ng masamang reaksyon sapagkat nasa tipong pagka ingles pa din ito.
Pero maipaglalaban na
natin na tagalog ito dahil sa pagkakagamit ng mga baybay na nagbibigay daan sa
salita upang maging ganap na salin ito sa wikang tagalog. Bakit nga ba hindi .
Maaari nating isalin sa wikang tagalog ang mga ibat ibang lenguwahe sa
pamamagitan lamang ng pagiiba ng bay bay o ispeling ng mga ito.
Gayundin, mas magiging
makatwiran ang pagkakasalin nito kesa saipagpilitan namang maisalin sa wikang
Filipinoang mga salitang ingles lamang talaga ang basehan. Hindi naman
mababawasan ang sukatan ng pagka tagalog ng ating salita kung madadagdagan ito
ng mga salitang iniba lamang ang baybay. Ang mga salitang iniba ang baybay ay
maaari pang makatulong s a pagkatuto sa mga ibang katutubo natin sapagkat kahit
ang salita ay malapit sa pagka ingles nito kung iniba naman ang bay bay ay
magiging malapit ito sa mga lalawiganing wika kaya mas madadalian silang
intindihin ito . Isa pang magandang magiging resulta nito ay maaaring gamitin
ito sa mga asignaturang nakabase sa ingles sa mga batang hirap sa pagkatuto ng
wikang Ingles . Idagdag pa natin na malapit ang mga baybay na ito sa Ingles na
kapag narinig ito ng mga katutubo ay mapapansin nila na malapit ito sa baybay
na makakasanayan nila at magagawa din nilang maintindihan ito na kasabay ng
nasa pagka wikang tagalog ng mga salita. Kung masusunod ang adbokasiyang ito at
gagawa ang ating bansa ng talaan ng mga salitang isinalin ng hindi mismo sa
pinaka tagalog nitong porma kundi sa baybay at ispeling . Marami itong
matutulungan at malay natin ay gamitin na ding ganap na wikang tagalog ang
gagamitin sa pagtuturo sa pilipinas at mawawala na din ang mga mang mang na tao
sa pagdating sa asignaturang ingles.
Kalakip nito ang aming ilustrasyon
sa aming adbokasiya. Makikita rito ang representasyon namin.Sa larawan ay
mapapansin ang isang guro na tila masigasig na tinatalakay ang tungkol sa
kanyang asignatura. Ngunit isipin kung ang tinuturo niya ay siyensya. Paano mas
madaling maiintindihan ng kanyang mga estudyante ang kanyang mga sinasabi na
pagpapaliwanag ukol sa kanyang paksa kung ingles ito. Tila kay dali kung
matapos niyang basahin ang kahulugan ng isang terminolohiya ay kanya itong
ipapaliwanag sa ating wika. Mas maiintindihan at mauunawan ng mga mag-aaral ang
nais niyang sabihin sa mga ito. Gayundinkung maaalala ay nabanggit sa unang
bahagi ng disenyong ito na hindi magdudulot ng kalituhan kung bibigyang
pagpapaliwanag sa wikang Filipino. Kung puro ingles lamang ang sasabihin ng
guro ay tiyak na nganga na ang kanyang mga estudyante at may posibilidad pang
wala silang matutunan. Wala namang may gustong siya ay walang maintindihan at
bakit pa sila mag-aaral kung wala ring matutunan. Kaya maganda pa ay samahan ng
wikang kinasanayan ang pagtuturo kaya ganyan an gaming ilustrasyon.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
nakakamangha ang adbokasiya dapat lamang isa alang alang ang ating wika bago pa ang globalisasyon
TumugonBurahinKamangha-manghang adbokasiya. Hindi ko akalain na sa isang modernong panahon kung saan ang mga bata ay nahihilig sa mga imported na gamit at kultura, ang sumulat ng blog na ito ay mas pipiliin muna ang sariling atin para sa ikauunlad ng bawat isa. Mahusay.
TumugonBurahin