Rasyunal
Kaisipang ukol sa globalisasyon ang syang pinagmulan
gaming adbokasiya. Kung iisipin ay tila
kay rami ng mga pwedeng gamitin. Ngunit globalisasyon ang nakapukaw sa aming
atensyon. Para sa amin ay maganda at madaling mailalahad ang naisip naming
adbokasiya kalakip ng isyung ito. Napagisip-isip namin na isa rin ito sa mga
pangunahing isyung panwika. Agad kaming nagbatuhan ng mga ideya patungkol dito
at di kalaunan ay humantong kami sa paksang ito. Mahalaga rin ito sa
kadahilanang akmang-akma ito sa nakakarami. Hindi lamang sa katulad naming mga
mag-aaral ngunit pangkalahatan ito.
Nais ng aming adbokasiya na lumawak ang kaisipan ng
bawat Pilipino sa mga usapin sa pagsasalin ng mga salitang Filipino. Sa
pamamagitan lamang ng simpleng pagiibang baybay at ispeling ay may pagkakataon
naiiba na ang kahulugan ng isang salita. Ganon pa man ang kahulugan kapag ito
ay isinalin sa wikang Filipino ay may posibilidad paring magdulot ng pagkalito
rito. Sa mga bagong salita na ito hanggat maaari dapat natin isipin na binuo
ang wika upang ang mga tao ay magkaintindihan at hindi para magbigay kalituhan.
Mas magiging madali kung sadyang may katumbas ang isang salita sa lengguwahe
natin upang mas mapadali ang pakikipagtalastasan.
Layunin ng aming
adbokasiya na matulungan ang mga katutubo na gumagamit ng mga lalawiganing wika
na mas madaling maintindihan ang mga sinaling salita at hindi na mabigyan pa ng
mga ibat-ibang kahulugan na makakatulong sa atin na madaling maintidihan ang
salita sa kung saan mang bahagi ng Pilipinas.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento